^

Police Metro

Van salpok sa puno: 7 patay, 4 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang pito katao habang apat pa ang malubhang nasu­gatan makaraang  salpukin ng isang van ang malaking puno ng kahoy sa tabi ng highway sa Brgy. Legaspi, Alegria, Cebu kahapon ng tanghali.

 Sa ulat ng Cebu Police,  kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang isangToyota Grandia van (AED 1299) na may lulang 11 katao na karamihan ay mga Pinoy immigrants sa Estados Unidos nang mangyari ang malagim na trahedya bandang alas–12 ng tanghali sa nasabing lugar.

 Ang nasabing behikulo ay galing sa Oslob, Cebu at patungong Kawasan Falls nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Gilbert de la Cruz, 24, bunsod upang magpagewang-gewang ang takbo ng behikulo at tuluy-tuloy itong sumalpok sa isang puno sa tabi ng highway.

  Nabatid na lima sa mga sakay ng van ang idineklarang dead-on the-spot  habang dalawa pa ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

 Pansamantalang hindi tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga nasawing biktima dahil iniimpormahan pa ang kanilang mga pamilya.

 Apat katao  naman ang nasugatan sa insidente kabilang ang driver ng behikulo na patuloy na ginagamot sa Chong Hua Hospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with