^

Police Metro

300 saf sa Bilibid muling papalitan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatanggalin na ang 300 miyembro ng Philippine National Police -Special Action Force (PNP-SAF)  na nagbabantay sa compound ng National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ang unang direktiba ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na sa bagong hirang na pinuno ng PNP-SAF na  si P/Director Noli Taliño na epektibong umupo noong Huwebes matapos ang balasahan sa 12 heneral ng PNP.

Ang hakbang ay upang hindi maging pamilyar ang mga naka-duty na  mga SAF personnels sa NBP upang maiwasan na masangkot ang mga ito sa korapsyon at gayundin sa illegal drug trade sa piitan.

Magugunita na noong Hulyo 2016 ang mga jailguards na nakabantay sa nasabing piitan ay pinalitan ni Dela Rosa ng 320 SAF personnels kasunod naman ng pagkakadiskubre na nakipagsabwatan ang mga tiwa­ling bantay sa mga drug lords at tuloy ang transaksyon ng droga sa nasabing bilibid.

At noong Hulyo 2017 ay muli ring tinanggal ang mga nakabantay ditong SAF  personnels na pinalitan ng mahigit 300 bagong mga contingents mula sa naturang elite forces.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with