^

Police Metro

‘CNN hero’ itatalaga sa PCUP

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang itatalaga bilang pinuno ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang itinanghal na CNN Hero of the Year (2009) na si Efren Peñaflorida.

Ang planong pagtatalaga kay Peñaflorida ay inianunsyo ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Christmas party ng Davao media noong Biyernes.

Si Peñaflorida ang founder ng “Kariton Klassroom” kung saan personal niyang tinuturuan ang mga batang lansangan.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati na gusto niya ay galing sa mahirap pero marunong ang susunod na chairman ng PCUP.

Matatandaan na sinibak ng Pangulo sa puwesto bilang pinuno ng PCUP si Terry Ridon dahil sa umano’y ilang beses na pagbibiyahe sa labas ng bansa na hindi naman kailangan.

“I appointed him (Ridon) September. He has tra­veled 8 times (to) every gathering, conventions, seminar outside. And to think he was representing the urban poor. Kaya pinalayas ko lahat, wala akong tinira,” pahayag ni Duterte.

Si Ridon ang dating ki­natawan ng Kabataan Party-list.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with