^

Police Metro

2 drug personality tiklo sa 2.9-M droga

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang dalawang itinuring na “high-value drug personalities” matapos silang dakipin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang makumpiskahan ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng  P2.9 million nitong Sabado sa isang shopping mall sa Pasay City.

Ang mga suspek na kinilala ni PDEA Director General Aaron N.  Aquino, ay sina Randy Gatdula, 38, Type B at  Marita Macatanga, 55, biyuda, ng Bomba 5, Guards Quarter, Maximum,  ng kapwa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.

Base sa report, naganap ang insidente noong Sabado (December 9) sa loob ng Mall Of Asia (MOA) sa Pasay City.

Isa sa mga ahente ng PDEA ang nagpanggap na bibili ng shabu na nasa 583.5 gramo, na tinata­yang  nagkakahalaga ng P2.9-M.

Matapos matanggap ang buy-bust money kapalit ng shabu, dito na dinakip ng mga kagawad ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Director Ismael Fajardo Jr.  ang mga suspek.

Nabatid, na sina Gatdula at Macatanga ay kapwa itinuturing ng PDEA na mga “high-value targeted drug personalities” kung saan big-time silang tulak ng droga na nagsasagawa ng iligal na operasyon sa ilang lugar ng Kalakhang Maynila.

Ang naturang mga suspek ay parehong nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) and Section 15 (Use of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with