^

Police Metro

Arnaiz sinadyang patayin ng 2 pulis-Caloocan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Batay sa resulta ng imbestigasyon ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) na sinadyang patayin ng dalawang nasibak na Caloocan City Police  ang 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz noong Agosto ng taong ito.

Kaya’t inirekomenda ni PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo  ang pagdismis sa serbisyo kina POI’s Ricky Arquilita at Jeffrey Perez kapwa nilitis sa kasong administratibo kaugnay ng kasong grave misconduct at conduct unbecoming a police officer.

Anya, tumugma ang mga ebidensya sa pahayag ng mga testigo  partikular na ang pahayag ng taxi driver na si Tomas Bagcal na umano’y hinoldap at nagsurender kay Carl Angelo sa himpilan ng pulisya at nagdala rito sa lugar kung saan natagpuan ang kaniyang bangkay.

Irerekomenda rin ng PNP-IAS ang isang ranggong demosyon ni Chief Inspector Fortunato Ecle, Commander ng Police Community Precint 2 kaugnay ng isyu ng command responsibility sa nagawang krimen ng dalawa nitong tauhan.

Hindi naman napagtibay sa imbestigasyon ng PNP-IAS ang alegasyon ng taxi driver na hinoldap siya ni Arnaiz na nabatid na walang record na kriminal.

Magugunita na si Carl Angelo, isang dating UP student ay natagpuang patay sa Caloocan City noong Agosto 18, 2017 matapos na umano’y mangholdap ng taxi kasama ng 14 anyos na si Reynaldo de Guzman alyas Kulot  na narekober ang bangkay sa isang sapa sa Gapan City, Nueva Ecija noong Setyembre 6

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with