^

Police Metro

58 pulis na nahaharap sa iba’t ibang kaso pinasisibak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) ang pagsibak sa serbisyo ng 58 miyembro ng Philippine National Police (PNP)  na nasasangkot sa illegal drug trade, extortion, kidnapping at iba pa.

Ito ay kaugnay ng determinadong paglilinis   laban sa mga scalawags sa kanilang hanay na ipinag-utos ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Sinabi ni PNP-IAS Ins­pector General Alfegar Triambulo na kasalukuyan ay hinihintay na lamang nila na aprubahan ni Dela Rosa ang nasabing rekomendasyon.

Ang karamihan sa mga inirekomendang mapatalsik sa roster ng PNP ay mga miyembro ng Northern Police District (NPD) partikular na mula sa Caloocan City Police na nasangkot sa kontrobersya.

Kabilang sa mga ipinadidismis ay ang mga scalawags cops na nahuli ng Counter Intelligence Task Force (CITF)  na sangkot sa kasong extortion  at kidnapping. Ang iba naman ay sangkot sa illegal drug trade at iba pang uri ng kriminal na aktibidades.

Magugunita na unang inianunsyo ni Triambulo ang pagdidismis sa serbisyo sa 15 miyembro ng Caloocan City Police kaugnay ng isinagawa ng mga itong kontrobersyal na warrantless raid sa isang bahay sa lungsod noong Setyembre 7. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with