^

Police Metro

‘Constitutional crisis’ nakaamba

Gemma Garcia - Pang-masa

Kung ‘di sisipot si Sereno sa impeachment hearing...

MANILA, Philippines — Nakaamba umano ang “constitutional crisis” sa bansa kapag hindi sumipot si Supreme Court Chief  Justice Maria Lourdes Sereno sa pagdinig ng House Committee on Justice sa kanyang impeachment case sa Miyerkules.

Ito ang naging babala ni House Committee on Justice Chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, kaya umaasa siya na makikinig ang Hudikatura dahil ang Kamara ang may hurisdiksyon sa paghawak ng impeachment cases na batay din sa Saligang Batas.

Paliwanag pa ni Umali na iba ang proseso sa Kongreso lalo na sa impeachment kung saan kailangan ng personal na presensya sa ilalim ng rules dahil ang mga abogado ay hindi maaaring magsalita o mag-represent  para sa isang impeachable official.

Idinagdag pa ng kongresista na ang right to counsel ay nangyayari lamang sa actual trial at sa ngayon ay wala pa umano sila sa trial kaya hindi pa maaaring gamitin ang argumento na rights to counsel.

Sinabi pa  ni Umali na bagama’t magdedesisyon sila base sa ebidensya at sa interest ng bansa, nilinaw niya na ang impeachment trial ay isang political in nature.

Kaya pinayuhan nito si Sereno na mas mabuting dumalo sa imbitasyon ng komite sa Nobyembre 22 at harapin ang panel para masagot niya ang mga ihaharap na ebidensiya o idedetermina na nila kung may probable cause kahit wala ang kanyang depensa.

Ang hindi niya pagdalo ay sinasayang ang waiver of right para komprontahin ang mga testigong ihaharap at mag-aakusa laban sa kanya.

Kung may plano si Sereno na magpasaklolo sa Korte Suprema ay posib­leng magresulta ng constitutional crisis dahil sa may umiiral na separation of powers sa pagitan ng Judiciary at Legislative branch of government.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with