^

Police Metro

2 bayaning pulis-EPD pinarangalan

Mer Layson - Pang-masa

Sumagip sa pasahero ng MRT-3

MANILA, Philippines — Ginawaran ng parangal at medalya ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang pulis ng Eastern Police District (EPD) dahil sa ginawang kabayanihan nang kanilang tulungan ang isang babaeng pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na nahilo at naputulan ng braso.

Ayon kay EPD Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, binigyan nila ng  medalya at kaukulang pagkilala sina PO2 Danilo Agustin Jr. at PO1 Ramil Almano dahil sa ginawa nilang pagtulong kay Angeline Fernando, 24, na residente ng Tramo, Pasay City.

Sinabi ni Sapitula, ikinatuwa ni PNP Chief Dir. General Ronald “Bato” dela Rosa sa ginawa ng dalawang pulis EPD kaya marapat na pinapahalagahan at dapat na pamarisan ng lahat. Matatandaang noong Nobyembre 14, 2017, dakong 2:35 ng hapon ay bigla na lang nahilo si Fernando pagkababa ng tren sa MRT-3 Ayala Station at nabuwal.

Nagkataon namang papaalis na noon ang tren na binabaan niya at tumama ang kanyang kanang braso sa coupler ng tren kaya’t naputol ito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with