^

Police Metro

Trudeau binanatan ng ilang senador

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pagbanggit sa isyu ng extrajudicial killings noong makausap si Pangulong Rodrigo Duterte si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay binanatan naman ito ng ilang senador.

Ayon kay Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, hindi dapat nakikialam si Trudeau ang isyu ng bansa at dapat ang asikasuhin nito ay ang basura ng Canada na ipinadala sa Pilipinas.

Naniniwala si Sotto na diversionary tactic o panglilihis sa isyu ang ginawa ni Trudeau upang hindi mapag-usapan ang basurang itinapon sa bansa.

“I find it to be to be a diversionary tactic. Pag usapan mo yung debatable at controversial sa isang bansa, para hindi mapag-usapan yung kontrobersya sa’yo. Kaya imbes na mapag usapan yung toxic waste or basura ng Canada na idinump sa atin, dinala nya yung usapan dun sa EJK na hindi pinag uusapan ng superpowers like the US, China and even the EU because they feel that it’s a local problem,” dagdag ni Sotto.

Naniniwala naman si Senator Gregorio Honasan na “unusual” ang ginawang pagbanggit ni Trudeau sa isyu ng EJK na nangyayari rin maging sa ibang bansa katulad ng Amerika ang maraming patayan.

Katulad ni Sotto kinuwestiyon din ni Honasan kung ano ang plano ng Canada sa basurang itinapon sa Pilipinas.

Magugunita na nainsulto si Pangulong Duterte kay Trudeau nang banggitin nito ang isyu ng EJK.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with