^

Police Metro

Kano dedo sa paghabol sa lover

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang turistang Kano na nakaladkad matapos na makabitaw sa pagkasabit nito sa sport utility vehicle na minamaneho ng live in partner naganap sa kanto ng Quirino ­Avenue at Adriatico St., Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Ramsey Awni Rayyis, residente ng Room 702 Avenue of the Arts Building na matatagpuan sa kanto ng Roxas Boulevard at Monica Sts., Ermita, Maynila.

Nakakulong naman sa Manila Police District-Homicide Section ang live-in partner ng biktima na kinilalang si Jenevie Daria, 27, residente rin ng nasabing condominium.

Batay sa ulat bago nangyari ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi ay nakitang hinahabol ng biktima ang tumatakbong kulay gray na Hyundai Tucson (NZS 88) na minamaneho ni Daria  sa kahabaan ng Adriatico St., Malate.

Huminto ito sa traffic light ng Quirino Avenue at nilapitan ng biktima ang sasakyan at dito nagtatalo ang dalawa sa hindi pa malamang kadahilanan.

Nang mag-green o go signal na ang traffic light ay sumabit ang biktima sa top load brace ng Hyundai habang tuloy-tuloy ang arangkada ng sasakyan kaya nakaladkad ang una hanggang sa makabitaw sa pagkakawak sa top load brace.

Ayon sa suspek na hindi niya nakita at alam na nakasabit pa sa kotse ang biktima kaya diretso lang siya sa pagtakbo.

Pinag-aaralan ng pulisya kung maaaring ma­ging depensa ng suspek na si Daria na nakatakdang isalang sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office ang pagiging malabo ng  kaniyang mata dahil sa kapal ng salamin at hindi napansin ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with