^

Police Metro

Empleyada ng bangko, ni-rape/sinunog

Mer Layson - Pang-masa
Empleyada ng bangko, ni-rape/sinunog

Sa naantalang report na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, kinilala ang biktima na si Mabel Cama, 22, dalaga, residente ng Ortigas Avenue Extension, Brgy. Rosario ng nasabing lungsod. File

MANILA, Philippines — Walang awang hinalay at sinunog ang bangkay ng isang dalaga na kawani ng bangko sa isang abandonadong gusali ng isang compound sa Pasig City matapos na siya ay dukutin ng hindi pa kilalang suspek  noong Linggo.

Sa naantalang report na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, kinilala ang biktima na si Mabel Cama, 22, dalaga, residente ng Ortigas Avenue Extension, Brgy. Rosario ng nasabing lungsod.

Itinuturing ng pulisya na person of interest ang isang Diolan Acebuche, 23 na isang mekaniko.

Batay sa ulat, dakong alas-12:20 ng tanghali noong Linggo nang ma­diskubre ang sunog at hubad na bangkay ni Cama sa loob ng isang abandonadong gusali na matatagpuan sa compound ng Mega Bus Line Terminal na dating impounding area ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na kung saan ay nakatira si Acebuche na  ilang metro lamang ang layo naman mula sa bahay ng  biktima.

Itinuring ng mga pulis na person of interest si Acebuche matapos na ituro na isang hindi pina­ngalanang saksi na siyang nakitang nakatayo sa labas ng abandonadong gusali ilang oras  bago natagpuan ang bangkay ni Cama.

Sa salaysay ng saksi, patungo na siya sa kanyang barracks dakong alas-10:00 ng gabi noong Sabado nang mamataan si Acebuche na nakatayo sa tapat ng pinto ng abandonadong gusali, na may lumalabas na usok.

Nagsasagawa naman na ng follow-up investigation ang mga otoridad upang matukoy kung sino pa ang posibleng ka­­sa­b­wat ni Acebuche na, batay na rin sa pahayag ng iba pang saksi ay dalawa ang lalaking nakita nilang nakatayo malapit sa bahay ng biktima.

Huling nakita ng mga kapitbahay na buhay si Cama dakong alas-11:00 ng gabi noong Biyernes  habang kumakatok sa pintuan ng kanilang tahanan ngunit hindi na ito napagbuksan pa ng pinto.

Hinihintay pa  ng mga pulis ang resulta ng otopsiya at genital examination sa biktima.

Bago nadiskubreng patay ang biktima ay hindi nakauwi sa kanilang bahay noong Biyernes ng gabi kaya’t inireport na ito ng kanyang ama sa pulisya na nawawala ito noong Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, sunog ang kalahati ng katawan ng biktima at  hubo’t-hubad na pa­latandaang ginahasa muna ito bago pinatay sa pamamagitan nang paghampas ng matigas na bagay sa ulo at mukha nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with