Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mister nagboga sa ulo

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 57-anyos na mister matapos itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo kamakalawa ng hapon sa Brgy. Burol 1, Dasmariñas, Cavite.

Nakilala ng pulisya ang nagpatiwakal na biktima na si Eduardo de Castro, ng Blk 1 Lt 5 Ph3 Burol 1,  Dasmariñas City, Cavite.

Sa report ng pulisya, ala-1:15 ng hapon, papauwi na ang anak nito na si Jockey De Castro, 24, nang nasa gate na ito ng kanilang bahay ay dito na ito nakarinig ng isang putok ng baril na nagmula sa loob ng kanilang bahay.

Patakbo itong pumasok sa loob at dito nito nakita ang ama na duguan na nakabulagta na sa kanilang sofa at umaagos ang dugo sa ulo nito habang hawak pa ang kalibre .38 na baril.

Wala namang maibigay na dahilan sa pulisya ang anak nito sa motibo ng pagpapakamatay ng ama.

Narekober dito ang baril na ginamit ng biktima, apat na live bullets at isang fired catridge case.   

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: