^

Police Metro

Manhunt sa rape suspek iniutos ni Duterte

Pang-masa
Manhunt sa rape suspek iniutos ni Duterte

Ang rape suspect na si Roy “Arvi” Vincent Hamoy Rosal na may patong sa ulo na P1 milyon para sa agarang ikadarakip nito.

MANILA, Philippines — Isang nationwide manhunt ang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng law enforcement agency sa bansa laban sa rape suspek ng isang menor de edad na ginahasa nito sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Inilabas ni Judge Rogelio D. Laquihon ng Regional Trial Court Branch 7, Dipolog City ang warrant of arrest na walang nirekomendang piyansa laban kay Roy Vincent “Arvi” Hamoy Rosal, ng Lower Turno, Dipolog City ang 2 counts of rape na may criminal case No. 21937 at 21938.

Ayon sa sinumpaang salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Suzette”, da­lawang beses umano siyang ginahasa sa bahay ng suspek noong  March 11, 2015.

Nasundan pa ang panggagahasa matapos takutin na papatayin ang biktima kung magsusumbong ito sa magulang.

Huli na nang malaman ng mga magulang ang mga pangyayari at agaran itong nagsampa ng kaso.

Napag-alaman na ang akusado ay inireklamo na rin ng rape ng isa ring minor ngunit ito ay naareglo.

Naglabas ng pabuya na isang milyong piso ang pamilya at kaibigan ng biktima sa agarang pagdakip ng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with