^

Police Metro

Abogado, babae timbog sa pekeng gold bar

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad sa isang operation ang isang abogado at isang babae na nagbenta umano ng pekeng gold bar na nagkakahalaga ng mahigit P4 milyon sa isang Japanese national sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Atty. John Alicda Kollin, 52, ng Baguio City at Arlene Ohgiku Y Perez , alyas “Arlene Perez”, 39, ng No. 395 G. Bautista St, .San Jose, Rodriguez, Rizal. Habang hinahanap pa ang isa nilang kasama na si Rolly Sanchez.

Sa ulat ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS), dumulog ang biktimang si Jun Shirakawa, 26, Japanese national kasama ang kaibigang si Akoshi Tsutoni at Pinoy na si Ernesto Gea para sa reklamo laban sa mga suspek na nagbenta umano ng pekeng gold bar na may paunang bayad na P3.1 milyon at may balanse na halos P1-milyon noong nakalipas na Agosto.

Umuwi na umano sa Japan ang biktimang si Shirakawa at doon niya natuklasan na peke ang gold bar na nabili sa mga suspek kaya bumalik sa Pilipinas nitong Oktubre 11 upang ireklamo ang mga suspek.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek na nakipag-ugnayan na sa mga otoridad ang dayuhan kaya nakumbinsi na makipagkita sa New World Hotel sa Pedro Gil, Ermita, Maynila alas-9:00 ng gabi kamakalawa sa pag-aakalang ibibigay na ang balance.

Nang iabot na ang P10,000 marked money ay doon na inaresto ng mga tauhan ng MPD-GAIS ang dalawang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with