^

Police Metro

Operator ng UV Express utas sa tandem

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang UV express operator nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Matias Cuya, 53, may-asawa, ng No.13 Blk A, Sto. Niño St., Brgy. San Antonio sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:20 ng gabi habang nakatayo ang biktima malapit sa kanyang sasakyan nang dumating ang dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo.

Bumaba ang angkas at malapitan itong binaril sa ulo at katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Nabatid na ang biktima ay kasalukuyang chairman ng kooperatiba ng UV express sa isang mall sa Quezon City.

Walang CCTV sa pinangyarihan ng krimen at tikom ang bibig ng mga residente, ngunit sinabing mabait at walang kaaway ang biktima sa kanilang lugar.

Hinala ng pulsiya na may kinalaman sa pagiging opisyal ng biktima sa kanilang asosasyon kaya ito pinaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with