^

Police Metro

Uber, Grab drivers ginagamit na drug couriers

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ginagamit umanong drug couriers ng sindikato ng droga ang mga driver ng TNVs (Transport Network Vehicles) na Grab at Uber.

Ito ang ginawang babala  ni Philippine National Police (PNP) Spokesman P/Chief Supt. Dionardo Carlos sa mga Uber at Grab drivers na dapat ay inspeksyunin ang mga package o anumang bagahe na ipinahahatid sa kanila ng mga pasahero.

Base sa report, dahilan sa masyadong mainit ang droga sa mata ng mga otoridad ay gumamit ng panibagong modus operandi ang mga drug syndicates at  ginagamit bilang drug couriers ang mga Uber at Grab drivers.

Kaya upang hindi malagay sa peligro ay dapat buksan muna ang mga bagahe o anumang bagay na ipahahatid sa mga Uber at Grab drivers upang matiyak na hindi droga ang kanilang ihahatid.

Anya na kung maaari ay papirmahin rin ang mga kustomer sa isang kasulatan na hindi droga ang kanilang ihahatid para na rin sa kapakanan ng mga driver ng Uber at Grab vehicles.

Diin nito na walang masama sa pagiging segurista matapos na mabulgar na ang naarestong drug trafficker  kamakailan sa isang condominium unit ng PDEA operatives at PNP na si Jovet Atillano alyas OJ, 32, sa Mandaluyong City na nagbebenta ng droga sa online kung saan Uber at Grab drivers ang ginagamit nitong drug courier.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with