^

Police Metro

Solano tumangging makaharap ang magulang ni Horacio

Ludy Bermudo - Pang-masa
Solano tumangging makaharap ang magulang ni Horacio

Dumating kahapon sa himpilan ng Manila Police District (MPD) ang mga magulang ni hazing victim UST Law student Horacio “Atio” Castillo III upang makipagpulong kay MPD director Joel Coronel hinggil sa kaso. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tumangging makaharap ng primary suspek na si John Paul Solano ang mga magulang ng UST law student hazing victim na si Horacio Castillo III sa Manila Police District Homicide Section, kahapon ng umaga.

Ikinatwiran ni Solano na hindi siya maaaring makipagharap sa mag-asawang Carmina at Horacio Castillo Jr., hangga’t wala ang kaniyang mga abugado kaya naghintay ng may isang oras ang mag-asawa, subalit walang abogadong dumating.

Dahil sa kabiguan sa unang pagkikita, umakyat na lamang sa tanggapan ni MPD Director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel ang mag-asawa at nakipagpulong bago tuluyang lumisan sa MPD headquarters.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Gen. Coronel na may anim pa silang idaragdag na suspek na sangkot sa kaso ni “Atio”, bukod pa sa pagiging suspek ni Solano, mag-amang Antonio at Ralph Trangia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with