^

Police Metro

2 testigo sa pagkamatay ng UST law student, lumapit sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Lumapit sa Department of Justice ang dalawang testigo sa pagkamatay ni University of Santo Tomas law freshman Horacio Castillo III sa isang insidente ng hazing.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na isa sa mga testigo ay miyembro ng Aegis Jvris fraternity, habang ang isa naman ay hindi kabilang sa grupo ngunit maraming nalalaman ukol sa pagkamatay ng binata.

“Natatakot sila. Baka daw pagpunta nila sa NBI (National Bureau of Investigation) maraming makakilala sa kanila kaya dumiretso sa akin,” saad ni Aguirre.

Dagdag ng kalihim, makikipag-ugnayan ang NBI sa Interpol para matunton ang kinaroroonan ni Ralph Trangia, isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Castillo na nakaalis na ng bansa.

“Sign of guilt ‘yung mabilisan niyang paglabas ng bansa matapos ang insidente... Magiging fugitive of justice siya,” ani Aguirre.

Ipinapakansela na rin ng Philippine National Police sa Department of Foreign Affairs ang pasaporte ni Trangia.

Ayon sa Bureau of Immigration, lumipad pa­puntang Taiwan si Trangia noong Martes, isang araw matapos pumutok ang balita ukol sa pagkamatay ni Castillo bago pa ito nailagay at 15 pang miyembro ng fraternity sa immigration lookout bulletin noong Miyerkules.

Si Castillo, 22, ay namatay sa initiation rites ng Aegis Jvris fraternity noong Sabado dahil sa atake sa puso bunsod ng lubos na paghihirap na dinanas nito. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with