^

Police Metro

Landslide: 2 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang katao habang apat ang nasu­gatan sa naganap na landslide sa isang komunidad malapit sa ilog ng Brgy, Capitol, Cebu City kamakalawa ng gabi. 

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Elpidio Heraga, 64; at Juvelyn Salipa, 31, na kapwa nabalutan ng putik nang marekober ng mga search and rescue team. Habang ang mga nasugatan ay sina Felicito Sanio at tatlong bata.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7, bandang alas- 8:45 ng gabi nang maganap ang landslide na tumabon sa tahanan ng mga biktima sa tabing ilog ng Guadalupe River, Sitio Lower Ponce, Brgy Capitol Site ng lungsod.

Inilikas naman ang 18 katao kabilang ang 10 menor de edad na naninirahan sa nasabing lugar dahilan sa posible pang panganib.

Naganap ang landslide sanhi ng malalakas na pag-ulan sa lugar  kung saan lumambot ang lupa dito na tumabon sa mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with