^

Police Metro

Manunugal utas sa gulpi ng mga bodyguard ni Atong Ang

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 35-anyos na lalaki matapos na pagtulungang gulpihin ng mga umano’y bodyguard ng isang alyas Atong Ang sa banyo ng Resorts World Manila sa Pasay City, kamakailan.

Ang nasawi ay kinila­lang si  Benjamin Quijano Jr., nakatira sa #12 Talisay St., Brgy. San Juan,  Taytay, Rizal.

Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng mga bodyguard ng alyas Atong Ang.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen mula alas-9:40 ng gabi (Setyembre 18) hanggang alas-5:30 ng umaga (Set­yembre 19) sa loob ng comfort room ng Newport Performing Arts Theater ng nasabing casino hotel.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Josephine, 45 sa pulisya, nakatanggap siya ng tawag sa telepono mula sa kaibigan ng kanyang  mister na si “alias Cezar” na ginulpi ang kanyang mister ng mga body guard ng isang “alias Atong Ang” dahil hindi ito makabayad sa utang na P30,000 sa sabong.

Agad na pinuntahan ni Josephine kasama ang kanyang 17-anyos na anak na babae sa hotel casino at pagdating doon ay sinabihan ng isa sa mga body guard ni Ang na hindi ito nagbayad ng kanyang utang.

Ayon pa sa ginang, binawalan siya na makita ang mister ng isang bodyguard hangga’t hindi nito nababayaran ang utang.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang dumating si  Ang sa lugar at inutusan ang kanyang mga body guard na mula sa comfort room na dalhin sa isang kuwarto ang biktima at dito nakita ni Josephine ang lupaypay na  asawa.

Agad itong tumawag ng taxi at dinala sa ospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with