^

Police Metro

9 Minasaker ng Abu Sayyaf

Pang-masa

16 sugatan...

MANILA, Philippines - Patay ang 9 katao habang 16 ang nasugatan matapos na pagbabarilin nang lusubin ng mga kalalakihan na mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang isang barangay sa Maluso, Ba­silan, kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Radzma Arakani; Radsma Hassan; Camina dela Cruz; Reynaldo Esparcia; Marktan Jalad; Ajid Aminulla;Ryan Joplo; Baby Arakani; at Andok Haikin Kato.

Kabilang naman sa mga nasugatan ay sina Roderick T Villarin, 24; Jul-Hari Arakani, 9, Grace Fernandez, 35, Reck Joplo, 35, Midzfhar Arakani, 10 , Avel Laping, 28, Estrella Arakani, 23, Joel Dela Cruz, 30, Solo Arakani, Mariam Dela Cruz, Jessie Dela Cruz at Tarhata Arakani, pawang mga residente ng Brgy. Tubigan, Maluso, Basilan; Jimmy Magid, ng Portholland, Maluso, Basilan;Arnold Abenedo, 12; Lukaya Arakani; at  Jordan Garcia, 24, ng Limook, Lamitan City, Basilan. 

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Christopher Panapan ng Basilan police, pasado alas-5:30 ng umaga kahapon nang umatake ang mga armadong kalalakihan na nasa 30-hanggang 50 sa Brgy.Tubigan kung saan ay walang habas na pinaputukan ang mga sibilyan at kanilang mga bahay at day care center bago ito sinunog.

Ang nasabing grupo na hinihinalang mga miyembro ng ASG ay nasa ilalim umano ni Furiji Indama habang patuloy ang hot pursuit operations laban sa mga bandidong grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with