Surigao del Sur nilindol
MANILA, Philippines - Niyanig ng 3.2 magnitude na lindol ang Surigao Del Sur kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs) naramdaman ang pagyanig sa kanluran ng Cortes, Surigao del Sur dakong alas-11:06 ng umaga. Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 021 kilometro.
Samantala naramdaman naman ang 3.1 magnitude na lindol sa kanluran ng Hinoba-an, Negro Occidental dakong 12:51 ng umaga. Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 021 kilometro. Wala naman naitalang napinsala o inaasahan sa dalawang lindol.
- Latest