^

Police Metro

Nokor hindi muna magpapakawala ng missile attack sa Guam

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinuspinde muna ng North Korea ang plano nilang missile attack sa Guam.

Ito ang sinabi ni Pyongyang leader Kim Jong Un, dahil sa titignan muna nila ang magiging aksyon ng Estados Unidos bago magdesisyon kung itutuloy na nito ang missile attack.

Magugunita na naunang inihayag ng Nokor army na plano nilang magpalipad ng 4 missile patungo sa Guam ngayong Agosto 15 at hinihintay na lamang ng Nokor army ang go signal ng kanilang lider para pakawalan ang missile na target ang US territory sa Pacific region.

Nasa blue alert naman ang consulate ng Pilipinas sa Guam at may naka­handang contingency plan ang consulate ng Pilipinas bilang paghahanda sakaling ituloy ng Nokor ang kanilang missile attack.

Pinayuhan naman ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano ang mahigit 40,000 na Pinoy sa Guam na magdasal at maging handa sa nasabing banta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with