^

Police Metro

Ambush: Tserman, 3 pa utas

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang isang barangay chairman ang nasawi nang sila ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang van kahapon ng hapon sa Cotabato City.

Ang mga nasawi ay kinilalang Tamontaka 1 Brgy. Chairman Mokamad Manisi Pasawilan, 65;Unting Manisi Pasawilan, kagawad; Jhony Ali Manisi, 49; at Anding Ali Manisi, 46, treasurer.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon ay nasa labas ng kubol si chairman Pasawilan kasama ang tatlong biktima nang sumulpot ang mga suspek na lulan ng isang van at walang habas na sila ay pagbabarilin.

Narekober sa crime scene ang nasa 30 basyo ng bala ng cal.45 pistol, 33 basyo ng M16 armalite rifle at 2 basyo ng carbine.

Hinala ng pulisya na posibleng may kaugnayan sa droga ang motibo ng pagpatay sa mga biktima dahil sa pagkakasangkot noong Disyembre 2016 si chairman Pasawilan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with