^

Police Metro

’Pagkain pa more’ sa mga bakwit pagkatapos ng Ramadan

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa patapos na ang buwan ng Ramadan ay nangangailangan pa ng karagdagang pagkain ang mga bakwit na pansa­mantalang nanunuluyan sa gusali ng Kapitolyo sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni Marawi Crisis Management Committee spokesperson, Zia Alonto Adiong na mas kailangan ng karagdagang pagkain ng mga bakwit sapagkat tatlong beses na silang kakain.

Ang pagtatapos ng Ramadan ang isa sa pi­nakamahalagang religious holiday para sa mga Muslim dahil dito, sila ay magkakaroon ng piging sa kani-kanilang mga pamilya.

Ayon kay Adiong na nasa P8 milyon piso na pagkain pa lamang ang nagagastos ng pamahalaang lokal sa panga­ngailangan ng 475 na pamilya na nananatili sa Kapitolyo at mahigit isang libong pamilya na nakikitira sa kanilang mga kamag-anak.

Sinabi naman ng Department of Social Welfare and Development na nakahanda na ang ibibigay nilang food packs para sa pagtatapos ng Ramadan na may stir-fried noodles at fruit salad na nakatakdang ipamahagi sa Lunes.

Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, magbibigay din ng P1,000 Ramadan cash assistance ang ahensiya sa bawat pamilya para panggastos sa Ramadan at Muslim na tradisyon.

Nasa 200,000 na re­si­­dente ng Marawi ang nagsilikas matapos na magkabakbakan sa ka­nilang lugar ang tropa ng pamahalaan laban sa Maute terror group na nag-umpisa noong Mayo 23.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with