^

Police Metro

4 patay sa drug war

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang 4 kala­lakihan na umano ay drug pusher nang maki­pagbarilan sa mga pulis sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Caloocan City at Tondo, Maynila kamakalawa at kahapon ng madaling araw.

Sa Caloocan City, kinilala ang mga napatay na sina Ranillo Diaz, alyas “Tata”, 29, ng No. 1122 Suha Street, Brgy. 178 Camarin; Jimmy Predas Orata, alyas “Jimmy Taba”, 42, driver, ng No. 158 William Shaw Street, Brgy. 86; at isang alyas “Lauro”, ng Brgy. 176 Bagong Silang.

Batay sa ulat, dakong alas-12:03 ng madaling araw nang mapatay sa anti-drug operations si Orata nang manlaban ito sa mga pulis na aaresto sa kanya at narekober ang  isang kalibre .38 baril, P200 na halaga ng marked money, at 4 plastic sachet ng shabu.

Napatay naman dakong ala-1:00 ng mada­ling araw sa isang bahay sa may No. 5993 Robis, Phase 4 Package 5 Brgy. 176 Bagong Silang ang suspek na si alyas Lauro at alas-4:00 ng hapon naman nang mapatay si Diaz. 

Hindi naman umabot ng buhay sa ospital ang umano’y drug pusher na si Ruel Baldesoto, 45, sa isang buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang isagawa ang buy bust operation na kung saan ay nakahalata ang suspek na pulis ang katransaksyon nito at nanlaban kaya’t napatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with