^

Police Metro

6 BIFF patay sa engkuwentro

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa
6 BIFF patay sa engkuwentro

Sinabi ni Captain Nap Alcarioto, Spokesman ng Army’s 602nd Infantry Brigade (IB), ang napatay na CAFGU ay nakila­lang si CAA Abraham Cutay, 33. File

MANILA, Philippines - Patay ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), habang isang miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) at isang sibilyan ang nasawi matapos makasagupa ng tropa ng militar ang mga bandido na umatake kamakalawa sa Pigcawayan, North Cotabato.

Sinabi ni Captain Nap Alcarioto, Spokesman ng Army’s 602nd Infantry Brigade (IB), ang napatay na CAFGU ay nakila­lang si CAA Abraham Cutay, 33.

Batay sa ulat, napigilan ang planong pagtake-over ng BIFF members sa CAFGU detachment at BPAT outpost sa mabilis na pagresponde ng tropang gobyerno sa lugar na kung saan ay umaabot ng halos 12 oras ang bakbakan mula alas-6:00 ng umaga kamakalawa hanggang  pasado alas-5:00 ng hapon.

Sa kasagsagan ng bakbakan ay anim na BIFF members ang napatay at walo naman ang sugatan ang nakatakas. Tinatayang nasa 200-300 BIFF members ang naghasik ng karahasan sa lugar.

Samantalang isa ring sibilyan na nakilalang si Towan Esmael, 61 anyos na magsasaka ang nasawi matapos na magpaulan ng bala ang mga armadong BIFF.

Naitala naman sa ­1,370 evacuees ang nagsilikas mula sa Brgy. Malagkitan, Simsiman, Banucagon at Central Tanasan; pawang sa bayan ng Pigcawayan sa takot na maipit sa bakbakan na ngayo’y kinakanlong sa Pigca­wayan National High School.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with