^

Police Metro

Chinese dawit sa ‘mail order brides’, timbog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Naisalba ng  mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang  pitong ‘bride to be’  na iniaalok sa mga nais makapag-asawa sa pamamagitan ng mail order bride, nang salakayin ang isang apartment  kung saan sila itinatago, habang arestado naman ang mismong human trafficking operator na Chinese national, sa Quezon City, kamakalawa ng hapon. Nagsanib pwersa ang Manila Police District-Station 1 at ang District Police Intelligence  Operations Unit, Women and Children Protection Unit at District Special Operations Unit  sa pagtugon sa reklamong inihain ng tatlong mga dalagang biktima na pawang mga taga-probinsya.

Ayon kay Chief Insp. Rosalino Ibay Jr, ng DSOU,  dakong alas- 2:00 ng hapon noong Martes nang salakayin ang isang apartment type building sa E. Rodriguez Avenue at isa sa unit ay nakuha nila ang apat pang kababaihan na kabilang sa biktima iniaalok sa mga Chinese grooms. Naaresto sa operasyon ang suspek Steven Lee. 50, at naisalba naman ang mga biktimang nasa 18 hanggang 25- anyos.

Narekober mula sa nasabing unit ang nasa 20 passports  na may pangalan ng mga babaeng nagmula sa iba’t-ibang lalawigan na sinasabing hinihintay na lamang matatakan ng Chinese visa.

Itinanggi pa ng suspek na iligal ang kaniyang negosyo dahil normal lamang daw ang kaniyang pagtanggap ng kliyente para sa pagproseso ng mga nais makapag-asawa ng Pinay.

Gayunman, ayon sa reklamo, sa una ay akala nilang makapag-aasawa ng dayuhan subalit pagdating umano sa China ay ginagawa silang alila na nag-aasikaso sa bukid.

Nabatid kay Ibay na taong 2004 pa nag-ooperate ng nasabing business si Lee. May mga galamay o ahente umano si Lee na nagtutungo sa  mga probinsiya  para mag-recruit at target sa operasyon mula sa mga mahihirap na pamilyang may mga anak na gustong ipakasal sa Chinese  kapalit ng malaking pera.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with