^

Police Metro

Martial Law, pwedeng palawigin kung kinakailangan- Digong

Rudy Andal - Pang-masa
Martial Law, pwedeng palawigin   kung kinakailangan- Digong

Ang mga residente ng Marawi City na nagsimulang magsilikas matapos ang patuloy na bakbakan sa pagitan ng military at mga miyembro ng Maute Group na sumalakay sa lungsod kamakalawa ng hapon. Dahil nga dito kaya idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law ang buong rehiyon ng Mindanao. AFP Photo

MANILA, Philippines -  Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iral ng Martial Law hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa Visayas at kung kakailanganin ay sa buong  bansa kapag lumitaw na mayroong banta sa seguridad ang bansa mula sa terror group na Maute at ISIS.

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na ang pagdedeklara ng Martial Law ay hindi sa mga ‘law abiding citizen’ .

Ito ang binigyang-diin kahapon ni Pangulong Duterte sa kanyang arrival statement sa NAIA terminal 2 mula sa Moscow, Russia.

“I might declare Martial Law throughout the country to protect the people. I might declare Martial Law throughout the country if terrorism reaches Luzon,” giit pa ni Pangulong Duterte sa kanyang arrival statement.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte, sinuspinde rin niya ang writ of habeas corpus sa Mindanao habang umiiral ang Martial Law at posibleng ganito rin ang kanyang ipatupad sa sandaling palawigin sa buong bansa ang pagdedeklara ng Martial Law.

“Arrests without warrants, searches, checkpoints will be allowed in Mindanao,” wika pa ni Pangulong Duterte habang umiiral ang Martial Law.

Nagbigay din siya ng babala sa mga pumapanig sa kaaway ng gobyerno na siguradong aarestuhin ang mga ito at ikukulong kahit walang arrest warrant dahil sa pag-iral ng Martial Law.

Nagdesisyon ang Pangulo na putulin ang kanyang official visit sa Russia dahil na rin sa kaguluhang nilikha ng Maute group at ISIS sa Marawi City na  naging batayan upang ideklara ni Duterte ang Martial Law kamakalawa ng gabi habang nasa Moscow.

“I need to immediately return because of Marawi crisis. We are still in a state of emergency,” paliwanag pa ng Pangulo.

“Maute group has taken over hospital in Marawi, burned down facilities, and flew ISIS flag. I had to declare martial law in Mindanao for a period not exceeding 60 days. The privilege of the writ of habeas corpus is likewise suspended in areas under martial law. Maute group has committed crime of rebellion,” dagdag pa ng Pangulo.

“I will assure you that I will not allow abuses (on declaring Martial Law). As president, if I cannot confront them, not capable of keeping order, I will resign. I am appealing to the humanity of everybody, do not allow the ISIS to come in,” dagdag pa ng Pangulo.

“Pakiusap ko sa mga Moro, I don’t want to fight you. Peace talks will continue,” sabi pa ng Pangulong Duterte. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with