^

Police Metro

Rosaryo, figurines bawal sa dashboard - LTO

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpaalala ang lide­rato ng Land Transportation Office (LTO) kasabay nang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA) na hindi lamang electronic gadgets ang ipinagbabawal na nakahambalang sa kanilang “line of sight”, kundi maging ang mga rosaryo, maliliit na figurines, trinkets, at iba pa.

Ito ang sinabi ni Atty. Aileen Lizada, board member at spokesperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at binigyan ang lahat ng may-ari ng public at private vehicles ng hanggang May 26 para tanggalin ang mga bagay sa kanilang dashboard o windshield na maaaring makaistorbo sa “line of sight” ng nagmamaneho.

Sabi ni Lizada, sa ope­rasyon ay hindi muna mag-iisyu ng traffic violation tickets ang LTFRB personnel, maging ang mga tauhan ng Land Transportation Office, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police-Highway Patrol Group hanggang sa susunod na Biyernes upang mabigyan ng pagkakataon ang mga vehicle owners na tumalima sa naturang kautusan.

Ginawa ni Lizada ang paglilinaw dalawang araw matapos ang implementasyon ng Anti-Distracted Driving Act kung saan marami sa mga motorista ang nalito partikular na sa mga bagay na dapat alisin sa dashboard o windshield kung nakakaistorbo ito sa line of sight ng driver.

Pero, nilinaw ni Lizada na ang pagbabawal sa pag­lalagay ng rosaryo, at iba pang maliit na figurines sa dashboard o windshield ay wala sa ilalim ng Anti-Distracted Driving Act kundi, nakapaloob ito sa Joint Administrative Order No. 2014-01 na inilabas ng LTFRB at LTO, tatlong taon na ang nakalilipas.

Idinagdag pa ni  Lizada, simula sa May 26, lahat ng mahuhuling lalabag sa naturang Joint Administrative Order ay pagmumultahin ng P5,000.

Isang memorandum circular ang nakatakdang ilabas ng ahensya ukol sa naturang isyu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with