^

PSN Showbiz

Sikat na TV host hate na hate ang mga fake na kagamitan kaya tinataguan ng staff!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Flashback!!!! Nakakaaliw ang kuwentuhan ng isang grupo ng mga beki na dating nakakatrabaho ng isang sikat na female personality. Flashback kung flashback mode talaga sila.

Kapag ang babaeng personalidad daw ang makakatrabaho nila ay alam na nila ang kanilang gagawin. Kailangang nakaligpit ang kanilang mga kagamitan, wala dapat makita ang aktres, dahil siguradong dadaan sila sa matinding interogasyon.

Kuwento ng isang humahalakhak na beki sa umpukan, “Kailangang malinis na malinis ang paligid kapag siya ang kasama namin sa work. Nakatago ang mga gamit namin, kailangang wala siyang makita, or else, ang dami-dami niyang tanong!

“Kani-kanyang taguan na kami ng mga stuff namin! May nasa locker, may mga nasa ilalim ng silya at mesa, kailangang nakatago lahat ang mga kagamitan namin when she’s around!

“Kailangang wala siyang makita, wala dapat siyang mapansin, alam n’yo naman ang mata ng babaeng ‘yun, napakatalas! Nakatago na nga, e, nakikita pa niya, ‘yun pa kayang nakalantad ang gamit mo?” humahalakhak nitong kuwento.

Kasi nga, kapag nakita kuno ng female personality ang tatak ng kanilang kagamitan ay sunud-sunod na ang kanyang pakikialam, diretso niyang sinasabi na fake ang kagamitan, class A lang daw ‘yun, it’s a fake!

“Kung kaya ba naming bumili ng original, bakit naman kami gagamit ng fake? E, siya naman kasi, sangdamakmak ang datung niya,kaya puro authentic ang mga stuff niya!

“Nakakaloka siya! Kahit busy siya, talagang nagagawa pa rin niyang pakialaman ang mga kagamitan ng ibang tao. Kunwari, nagme-memorize siya ng mga lines niya, pero may napansin siyang fake ang gamit na bag, talagang uuriratin niya pa ‘yung tao para sabihin lang na fake ang bag niya!

“Ganu’n siya talaga! Kaya ang say naman naming mga beki, hindi bale nang fake ang mga kagamitan namin, hindi naman fake ang ugali namin!” nakataas ang kilay sa tenth floor na kuwento ng beki.

Ubos!

Agot bagong suki ng posers!

Ang dami-daming posers ni Agot Isidro ngayon. Mula nang sabihin niyang psychopath ang ating pangulo ay parang mga palaka sa tag-ulan na naglitawan na ang mga taong gumagamit sa kanyang pangalan sa social media.

At malalakas pa ang loob ng mga taong ‘yun na ilagay ang retrato ni Agot sa kanilang pekeng account, minumura ng mga ito si Pangulong Rodrigo Duterte na parang wala nang bukas, halatang-halata namang hindi si Agot ang nagpapakawala ng mga negatibong mensahe. (sundan sa pahina 13)

(UBOS!...mula pahina 8)

Mabuti na lang at agad-agad na nagbigay ng opisyal na pahayag ang singer-actress na hindi kanya ang mga naglipanang account ngayon, wala siyang kinalaman du’n, lalong wala siyang dapat panagutan sa mga salitang ipinupukol ng mga ‘yun laban sa ating pangulo.

Marami talagang walang magawa sa buhay na nanggagamit ng ibang taong nananahimik para lang sila makapang-abala. Nagkalat ang mga posers, nakakatawa lang dahil ang mga ginagamit nilang profile pic ay bulaklak, mga hayop, prutas at kung anu-anon pa dahil bahag ang kanilang buntot na lumantad.

Katatapang nilang magpakawala ng mga salita, halos gutay-gutayin na nila ang pinupuntiryang kung sinuman, pero takot na takot naman silang magpakita ng kahit anong identity lang.

Nasabi na ni Agot Isidro ang gusto niyang itawid, naiparating na ng singer-actress ang kanyang emosyon, tapos na ‘yun. Naintindihan naman siya ni Pangulong Digong, ayon sa pangulo ay karapatang-pantao lang ang pinairal ni Agot, kaya nasaan pa ba ang problema?

Sa mga salitang ginagamit ng kanyang mga posers, sa umpisa pa lang ay alam mo nang hindi ‘yun galing kay Agot Isidro, hindi na namin mamaliitin pa ang kapasidad ng mga nagpapakilala-gumagamit sa kanya pero ‘yun ang totoo.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with