^

PSN Showbiz

Mga starlet kawawa sa Star Magic Ball, Liza nangibabaw!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga starlet kawawa sa Star Magic Ball, Liza nangibabaw!
Liza Soberano

MANILA, Philippines – Parang nadagdagan ng edad si John Lloyd Cruz sa kanyang bagong hairstyle. Short short na may design na peace sign. Actually, kung hindi lang kilalang si Madam Charo Santos ang kasama niya, malamang na-link na sila. Ganun. Parang hindi na mag-ina ang kanilang hitsura. Hihihi.

May free view kasi sa HD SKY ang Star Magic Ball na ginanap the other night sa isang 5-star hotel sa Makati kaya napanood ng marami ang mga pangyayari.

Bukod sa mga inaasahang magagandang damit na suot ng mga sikat na alaga ng Star Magic, inabangan din ang mga fashion victim na ang karamihan ay hindi naman mga familiar ang fez. Yup, ang dami nilang nakakaloka ang suot. Pero todo rampa sila at panay ang pose. Makikita mo rin na parang gusto pa nilang magpa-interview.

Kaya lang kawawa pala ‘yung mga hindi gaanong sikat, nakapila sa red carpet para lang makalakad at mapicturan.

Pero sa dinami-rami ng mga rumampang artista, ‘yung kay Liza Soberano na gown na gawa ni Michael Cinco ang pinaka-wagi. Sunod ang kay Bea Alonzo na Tom Ford gown. Pareho nilang nadala na umaapaw ang confidence.

Ang ganda ng bagsak kay Liza ng kulay gray na gown na fully embroidered. Collaboration daw ito nila ng sikat na Pinoy designer. Last year ay si Michael Cinco din ang gumawa ng damit ni Liza.

Si Shaina Magdayao naman, parang hindi makahinga sa suot niya dahil parang sobrang sikip.

Pero si Maja Salvador parang simple lang. Pero Coco Channel pala ‘yun.

Si Jessy Mendiola parang sa ordinary party lang a-attend. Ang simple-simple lang niya kung kelan naman escort niya si Luis Manzano. Sa likod may paandar ang gown niya na ayon kay Jessy ay gawa ng isang kaibigan niyang designer.

Si Kathryn Bernardo ay Michael Cinco rin pero hindi pangabog.

Maganda rin ang ball gown ni Erich Gonzales  (white) and Jodi Sta. Maria (black) na parang magkamukha.

Sina Sam Milby and Iñigo Pascual inirampa ang mga GF.

As expected, si Liza ang nanalo ng Best Dressed Award at si Zanjoe Marudo na dateless dumalo ang kanyang male counterpart.

Sina  Sofia Andres and Diego Loyzaga ang Couple of the Night at Stars of the Night sina ABS-CBN chief content officer Charo Santos and ABS-CBN chair Gabby Lopez III. 

Movie nina Anne, Dennis at Paolo pumik-up na!

Pumik-up noong weekend ang pelikulang Bakit Lahat ng Guwapo may Boyfriend?! starring Anne Curtis, Paolo Ballesteros ,and Dennis Trillo.

Word of mouth ang naging isa sa mga sandata para pag-interesan ng manonood ang pelikula na idinirek ni Jun Lana.

Nataon sa super typhoon Lawin ang showing nito last Wednesday kaya maraming natakot dumagsa sa mga sinehan.

Pero dahil aliw ang pelikula, kumalat ang balita.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Bakit Lahat ng Guwapo may Boyfriend?!

Jennylyn kinakarir ang pagiging nanay

Wow, ang galing naman ni Jennylyn Mercado. Pagdating sa anak, hindi siya nawawalan ng oras. The other day ay sinamahan ng aktres na tumakbo ang anak sa ginanap na Pokémon Go Fun Run sa pinapasukan nitong eskuwelahan. Nagpaka-normal na nanay si Jennylyn. ‘Pag hindi mo nga alam na doon nag-aaral ang anak nito, hindi mo mapapansin na andun siya.

vuukle comment

STAR MAGIC BALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with