^

Police Metro

9 pulis, 3 militar napatay sa anti-drug war

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Siyam na pulis at tatlong sundalo ang nagbuwis ng buhay sa giyera ng pamahalaan kontra droga.

Ito ang inihayag ni  Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ro­nald “Bato” Dela Rosa sa pinaigting na anti-drug operation simula Hulyo 1 hanggang alas-6:00 ng umaga nitong Agosto 23, 2016.

Ayon kay Dela Rosa maging ang mga buhay nila ay nasa panganib sa operasyon kontra droga dahilan  may namamatay din sa kanilang panig sa shootout kapag pumalag na ang mga nabubuwang na target na durugistang tulak ng droga.

Sinabi ni Dela Rosa  na umaabot na sa 756 mga pinaghihinalaang drug pushers ang nasawi matapos na manlaban sa mga otoridad sa iba’t ibang panig ng bansa simula ng ilunsad ang Oplan Double Barrel o ang pinaigting na anti drug campaign.

Sa nasabing bilang 569 kaso ang isinasai­lalim sa imbestigasyon ng PNP-Internal Affairs Service sa ilalim ng pamumuno ni Acting Director P/Chief Supt. Leo Angelo Leuterio habang 18 PNP personnel at walong sundalo naman ang nasugatan sa operas­yon kontra droga.

Nasa 11 PNP members naman na sangkot sa droga ang napatay sa shootout habang 20 pa ang nasakote sa serye ng operasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with