^

Police Metro

Ginang na 7 buwang buntis ginahasa ng bayaw

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga pulis ang isang drug addict na lalaki na humalay sa kanyang hipag na 7 buwang buntis sa loob ng kanilang bahay sa Cagayan de Oro City kamakalawa.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Ashley Dumpa, 34, may-asawa, sikad driver at residente ng Sitio Tibasak, Brgy. Macasandig ng lungsod.

Itinago naman sa pa­ngalang Amor ang biktima na halos matulala sa matinding trauma sa sinapit sa kamay ng adik na bayaw. 

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay abala si Amor sa pag-aalaga sa dalawang paslit na anak nang ito ay pasukin ng suspek at sunggaban sabay tutok ng kutsilyo.

 Pinagbantaan ng suspek na kilalang drug adik sa kanilang lugar ang biktima na papatayin ang kaniyang dalawang anak kapag pumalag kaya wala itong nagawa kundi umiyak na lamang at magpaubaya habang nakatutok sa kaniyang leeg ang patalim.

Nang makaraos ang suspek ay mabilis itong tumakas na naaresto pa­sado alas-11:00 ng gabi matapos na magsuplong sa pulisya ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with