^

Police Metro

Prof. dinedo sa condo

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tadtad ng mga saksak at patay na nang matagpuan ang isang professor  ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa loob ng kanyang inuupahang condominium kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang nasawi ay kinilalang si Isagani Santa Maria, 57, ng 2F, 7R, Geenery Building, One Metropolitan Condominium, na matatagpuan sa Edang St., Barangay 153, Zone 16 ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:55 ng gabi nang puntahan ang biktima sa kanyang condo unit  ng mga kasamahan sa  simbahan na sina Daniel Alingeg, 48, isang freelance photographer at Gina Nunez, 38 upang ipaalala ang obligasyon nito sa simbahan.

Ilang beses na kinatok ng dalawa ang pinto, subalit  hindi sila pinagbubuksan at ng itulak ang pinto ay bumukas ito at dito tumambad ang duguang biktima na kaagad nilang ipinagbigay alam sa mga otoridad.

Sa salaysay ng sekyu ng condominium huling nakitang buhay ang biktima mag-ala-6:00 ng gabi na ang kasama ay isang lalaking pedicab driver matapos na ihatid siya dito bitbit ang isang plastic bag na naglalaman ng mga pinamili nito.

Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa pamamaslang sa biktima dahil nawawala ang pitaka at cellphone nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with