^

Police Metro

Problema sa PCSO ayusin na lang kaysa siraan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ayusin na lang sa loob ang problema ng ahensiya  sa halip na ipakalat sa media na posibleng maging dahilan ng pagkasira ng institusyon.

Ito ang sinabi ni Benjamin Peralta, secretary general ng Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) para kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ayong Maliksi dahil sa nakakabahala ang mga pinagsasabi nito laban sa PCSO na dapat ay ina­ayos na lang niya bilang pinuno ng tanggapan.

May mga benepisaryo umano ang lumapit sa FATE upang humingi ng tulong para alamin ang tunay na kondisyon ng PCSO dahil sa na­ngangamba na hindi nila makuha ang medical assistance na hinihiling sa ipinaputok kamakailan ni Maliksi na wala na umanong pondo ang ahensya at nadedemo­ralisa na umano ang  mga social workers na kaa­gapay ng PCSO sa mga pagamutan.

Sa pagsisiyasat naman ng FATE, patuloy naman ang pondo ng PCSO dahil sa umiikot lamang ang pera buhat sa patuloy na pagtangkilik ng mga mananaya sa Lotto at maging sa Small Town Lottery (STL) at wala namang umiiral na “preferential treatment” sa mga pas­yente na nakaratay sa mga mamahaling pagamutan.

Napag-alaman na ina­aprubahan umano ng PCSO ang mga medical assistance sa naturang mga pagamutan dahil sa uri ng sakit na tanging ang mga ito lamang ang may kakayahan na gumamot base sa teknolohiya habang ang ilan ay nasa isolation room depende rin sa uri ng sakit ng pasyente.

Nababahala naman ang FATE sa naglabasang ulat kamakailan ng pagkakaibigan ni Maliksi at ng kontrobersyal na si Atong Ang na siya namang may-ari ng Meridien Vista Gaming Corporation na nagpapatakbo rin ng ilang uri ng sugal sa mga lalawigan na may STL.

Nagtatanong ngayon ang FATE na kung tatanggalin ang STL, sino ang makikinabang sa mga gaming sa mga lalawigan.

Umaasa sila at mga lumalapit sa PCSO na mareresolba ni Maliksi ang gusot sa kanyang kapasidad bilang chairman at hindi na madudungisan ang imahe ng ahensya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATONG ANG

BENJAMIN PERALTA

CHAIRMAN AYONG MALIKSI

FILIPINO ALLIANCE

MALIKSI

MERIDIEN VISTA GAMING CORPORATION

MGA

PCSO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with