^

Police Metro

Trak sinuwag ang 6 sasakyan: 2 todas, 14 sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang katao habang 14 ang nasugatan matapos na suwagin ng isang 10- wheeler delivery truck ang 6 na sasakyan kahapon ng umaga sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue, Barangay Barangka, Marikina City

Ang  dalawang nasawi ay kinilalang sina Edison Jan Reyes, engineering student  ng Technological Institute of the Philippines (TIP) at Domingo Salvador na kapwa tumilapon palabas ng sinasak­yang jeep.

Ang 14 nasugatan ay ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez, Memorial Medical Center at dalawa rito ay kinilalang sina Fernando Gemira, 43, ng Pasig City, dri­ver  ng delivery truck (RHW-112) na naipit ang dalawang paa; Argie Reola, assistant director ng noontime program na ‘Sunday Pinasaya’ ng GMA-7 at tatlo nitong staff na sakay naman ng van.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-11:10 ng umaga sa A. Bonifacio Avenue ng nasabing barangay ay galing ang truck sa Aurora Boulevard at patungo sa Marikina City.

Habang pababa ito ng flyover ay  nawalan umano ito ng  preno at sinuwag  ang tatlong pampa­saherong jeep, dalawang L-300 van at isang motorsiklo bago tuluyang bumangga sa isang poste ng kuryente.

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga, tumi­lapon sina Reyes at Salvador palabas ng jeepney na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

vuukle comment

ACIRC

AMANG RODRIGUEZ

ANG

ARGIE REOLA

AURORA BOULEVARD

BARANGAY BARANGKA

BONIFACIO AVENUE

DOMINGO SALVADOR

EDISON JAN REYES

MARIKINA CITY

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with