^

Police Metro

Habang nasa loob ang misis... Bahay sinunog, mister utas sa bangga

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Agad na nakarma ang isang 42-an­yos na mister nang ito ay masalpok ng truck matapos na sunugin ang bahay habang nasa loob ang kanyang misis naganap kahapon ng mada­ling araw sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa UST Hospital ay kinilalang si Michael Aguilar, residente ng no. 1171 San Diego St. Sampaloc, Maynila.

Nakaratay naman sa Ospital ng Sampaloc ang misis nitong si  Mary Jane Aguilar, 37, sanhi ng suffocation.

Pinipigil naman sa Manila Traffic Bureau (MTB) ang tatlong truck driver na pinaniniwalaang sangkot sa pagkakasagasa kay Michael.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:35 ng madaling araw ay nagkaroon ng pagtatalo si Michael at misis nitong si Mary Jane sa loob ng kanilang bahay dahil sa nababalitaan ng una na may ibang lalaki ang misis.

Sa tindi ng galit ng biktima ay pinalabas nito ang kanilang anak at ilang sandali ay binuhusan na ng gasolina ang kanilang bahay at sinilaban.

Nailigtas naman ng anak na binatilyo ang ina at dinala sa ligtas na lugar.Habang ang kanyang ina ay dinala sa ospital dahil sa nalanghap na mga usok.

Mabilis din naapula at hindi na ku­malat pa ang apoy sa mga katabing bahay dahil kalahati lamang ng bahay ang nasunog.

Ilang minuto ang nakakalipas ay muling nagkagulo sa lugar nang mabalitaan na na-hit and run ang biktima ng truck.

Sa salaysay ng anak sa pulisya na madalas na magselos ang kanyang ama at pinagbibintangan ang kanyang ina na may ibang lalaki.

vuukle comment

BATAY

HABANG

ILANG

MANILA TRAFFIC BUREAU

MARY JANE

MARY JANE AGUILAR

MAYNILA

MICHAEL AGUILAR

SAN DIEGO ST. SAMPALOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with