^

Police Metro

Sa harap ng 3 anak... Ginang 60x sinaksak ng rapist

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 25-an­yos na ginang matapos na saksakin ng 60 beses nang ito ay nanlaban sa rapist na pumasok sa kanyang bahay na naganap kamakalawa sa Brgy. Cabaluay, Zamboanga City.

Ang biktima ay kinilalang si Jenny Rose Apolinario, ng Purok 5, Brgy. Cabaluay ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, bandang alas-12:25 ng madaling-araw ay mahimbing na natutulog ang biktima katabi ang 3 paslit na anak  sa silid ng kanilang bahay nang pasukin ng suspek na kinilalang si Arjon Alvarez, 27, na kapitbahay ng biktima.

Pinaghihipuan ng suspek ang ginang sa maseselang  bahagi ng katawan at  habang pinipilit hubaran ay nagising ang biktima at nanlaban.

Nagalit ang suspek at kinuha ang dalang patalim at pinagsasaksak ng 60 beses sa dibdib at tiyan ang ginang.

Mabilis na tumakas ang suspek habang ang ginang ay isinugod sa Zamboanga City Medical Center, pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

Isang manhunt ope­rations ang isinagawa ng pulisya sa suspek na nagawang maituro ng mga anak ng biktima.

vuukle comment

ARJON ALVAREZ

BATAY

BRGY

CABALUAY

ISANG

JENNY ROSE APOLINARIO

MABILIS

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with