^

Police Metro

Puerto Princesa City Mayor pinagpapaliwanag sa P94.6-M ‘cash advance’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Humihingi ng paliwanag ang isang grupo kung paano ginastos ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang P94.6  milyon na umano’y  “cash advance” nito.

Ayon kay Movement Against Graft and Abuse of Power (MAGAP) spokesman Jonas Siniena  ang  naturang  huge  expenditures  and  disbursements na  mula  sa pondo ng bayan ay dapat ginastos para sana sa tamang serbisyong publiko at ang anumang masamang intensyon sa uri ng paggastos ay maitutu­ring na corrupt  act.

Sa isang listahan na ibinigay sa MAGAP, lumitaw na humingi umano si Mayor Bayron ng kabuuang P51,125,647.79 cash advances para sa taong 2014 at P43,492,100.00 noong 2013 na ipinagkatiwala sa mga opisyal ng lungsod.

Ayon kay MAGAP hindi nila inaakusahan ng pagnanakaw si Mayor Bayron at ang kanyang mga opisyal sa kinukuwestyong halaga subalit, dapat malaman na ang mga malaking paggastos ay dapat bigyan ng tamang liquidation at dapat isapubliko.

Idinagdag pa ni Siniel na ang cash advance ay dapat tumalima sa appropriation ng Sangguniang-Panglungsod na hinihingi ng batas at dapat manatiling bukas si  Mayor  Bayron.

Dapat ipilit ng mga taxpayers ng Puerto Princesa City na hilingin kay Mayor Bayron at  Sangguniang Panglungsod City Council na  ilantad sa publiko ang malalaking ginastos sa financial  assistance buwan-buwan ng bawat  taon dahil ang paggastos ng pondo ng bayan ay malinaw at properly appropriated para maiwasan ang negatibo at mapanirang financial impacts bunga nito.

vuukle comment

AYON

DAPAT

JONAS SINIENA

MAYOR BAYRON

MOVEMENT AGAINST GRAFT AND ABUSE OF POWER

PUERTO PRINCESA CITY

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR LUCILO BAYRON

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD CITY COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with