^

Police Metro

QCPD Police Major tinadtad ng bala

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos 21 bala ang bumaon sa iba’t ibang parte ng katawan ng isang opisyal ng Quezon City Police District-Station 4 nang ito ay pagbabarilin ng dalawang angkas sa isang motorsiklo kahapon ng umaga  sa Zabarte Road, Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Chief Inspector Roderick Medrano dahil sa mga tinamong tama ng bala.

Batay sa ulat,   dakong alas-7:15 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kanyang Honda City (MCH-588) at sakay ang kanyang misis at dalawang anak na ihahatid  sa eskwelahan.

Pagdating sa kahabaan ng San Diego Drive, kanto ng Za­barte Road, Brgy. Kaligayahan, Novaliches ay sumulpot ang dalawang lalaki at nagsipagbunot ng kanilang mga baril at pinagbabaril ang biktima.

Kahit sugatan, nagawa pa ni Medrano na maka-pamaniobra ng kanyang kotse, subalit sumalpok ito sa gate ng isang bahay.

Hindi pa nakuntento ang dalawang gunman ay sinundan pa ang biktima na noon ay duguang  nakasubsob sa manibela at  muli itong pinagbabaril.

Hindi naman sinaktan ng dalawang gunman ang misis at dalawang anak.

Nang matiyak na patay na ang target ay sumakay ang mga suspek sa isang motorsiklo ng naghihintay nilang kasama na nagsisilbing lookout at mabilis na pinaharurot patungong Fairview.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CHIEF INSPECTOR RODERICK MEDRANO

DALAWANG

HONDA CITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

ZABARTE ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with