^

Police Metro

2 beses binaril sa ulo tomador binoga, bulagta

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang ‘tomador’ matapos na siya ay malapitang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay lasing na nagla­lakad pauwi sa kanilang tahanan sa Parola Compound, Binondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ng biktimang si Melencio Serrano, alyas “Nonoy Tahi”, 42 nakatira sa  #0420 Gate 54,  Area B, Parola Compound, Binondo.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na dakong alas-4:15 ng madaling araw nang barilin ang biktima sa tapat ng Marivic Sari-sari store sa kanilang lugar.

 Sinasabing naglalakad na pauwi ang biktima kasama ang kaibigang si alyas “Dodong” nang sila ay salubungin ng armadong suspek at walang sabi-sabing malapitan na barilin.

Ayon sa report, sa ­unang putok pa lamang ay bumulagta na ang biktima pero muli pang binaril ng suspek para matiyak ang kanyang kamatayan.

Hindi naman sinaktan ng suspek ang kasama ng biktima na nagulat, natakot at nawala ang pagkalasing noong maganap ang krimen.

Hinihinala ng pulisya na may matinding galit ang suspek sa biktima dahil tiniyak na patay na ito bago tuluyang iniwan sa crime scene.

Plano ngayon ng mga awtoridad na ipatawag ang kasama ng biktima na si Dodong upang mabatid ang itsura ng salarin. (Patrick Roy Andal)

 

vuukle comment

AREA B

BIKTIMA

BINONDO

DODONG

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIVIC SARI

MELENCIO SERRANO

PAROLA COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with