Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ilang pari tumanggap ng tulong kay Napoles – Bishop

MANILA, Philippines - May ilang pari ang kinumpirma ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles na tumanggap ng tulong financial sa tinaguriang ‘pork barrel scam queen’ na si Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Bishop Arguelles, bukod sa ilang pari ay may sacristan din na tinulungan at kinupkop si Napoles sa kanyang tahanan. Ang isa sa hindi pinangalanang pari na may malubhang umanong karamdaman.

Inamin ni Arguelles na nagulat siya nang maglabasan ang mga ulat na si Napoles ang itinuturong utak ng bilyong pisong pork barrel scam.

Naniniwala si Arguelles na marami sa mga alagad ng simbahan ang tumatanggap ng suporta ng hindi na inaalam kung saan nagmula ang tulong.

Mayroon din namang maituturing na “subjectively guilty” sa pagtanggap ng donasyon tulad halimbawa na alam namang jueteng lord bagamat matulungin sa simbahan ay tinatanggap pa rin ang donasyon.

Aniya, tulad ng kaso ni Msgr. Josefino Ramirez  na matagal nang tumutuloy sa tahanan ng kaibigan niyang si Napoles dahil sa sakit nito at matagal nang sumasailalim sa regular na dialysis.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: