^

Police Metro

Tumangging makipag-sex pinagsasaksak... dalaga todas sa nobyong manyak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pitong saksak ang tinamo ng isang 18-anyos na dala­ga matapos itong pagsa­saksakin ng nobyo na na­irita sa pagtanggi nitong makipag-sex sa kanya ka­makalawa sa Brgy. San Carlos, Anilao, Iloilo.

Namatay noon din ang biktimang si Julie Ann Valencia, residente ng Brgy. Vista Alegre, Barotac Viejo, Iloilo.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ng otoridad laban sa suspek na si Marky Jagorin, 25-anyos ng Brgy. San Carlos, Anilao na tumakas matapos ang ginawang krimen.

Lumalabas sa imbesti­gasyon, dakong alas- 6:30 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ang bang­kay ng biktima sa silid ng bahay ng isang Luis Senanin sa Brgy. San Carlos, Anilao.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Sabado ng gabi nang mag­paalam ito sa kaniyang mga magulang na manonood ng Banaag Festival sa bayan ng Anilao, subalit naki­pagtagpo ito sa kaniyang nobyo at dinala sa bahay ni Senanin.

Sa salaysay ni Senanin, bandang alas-2:00 ng madaling-araw ng marinig niyang nagkakalabugan sa katabing silid at nagtatalo ang magkasintahan hanggang sa saktan na umano ng suspek ang nasabing dalaga na umiiyak at humihingi ng tulong.

Ayon sa matanda, natakot umano siya kaya nagsara na lamang ng pinto hanggang sa makatulog at kinabukasan ng umaga ay humingi ng tulong sa kanilang punong barangay  kung saan nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Sa teorya ng pulisya, posible umanong pinilit ng suspek ang biktima na mag-sex nguni’t tumanggi kaya sinaktan hanggang sa mapatay matapos na marekober sa crime scene ang sex video sa cell-phone ng nasabing lalaki na pinanood pa ng magka­sintahan bago naganap ang krimen.

vuukle comment

BANAAG FESTIVAL

BAROTAC VIEJO

BRGY

ILOILO

JULIE ANN VALENCIA

LUIS SENANIN

MARKY JAGORIN

SAN CARLOS

SENANIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with