^

PM Sports

Cavs, Warriors at Thunder nakatikim ng kabiguan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakalasap ng kabiguan ang tatlong bigating koponan na defending champion Cleveland, Golden State Warriors, at Oklahoma City.

Umiskor si Mark Gasol ng 34-points at huma­tak ng 11-rebounds nang igupo ng Grizzlies ang Warriors sa FedEx Forum sa Memphis, Tennessee.

Nakakuha ang Warriors, may 1-2 win-loss record, ng 37-points mula kay Stephen Curry at 29-points at 13-rebounds naman mula kay Kevin Durant ngunit hindi ito sapat dahil hawak ng Grizzlies ang trangko sa halos kabuuan ng laro at umabot pa ang kanilng bentahe ng hanggang 19-points sa second half.

Dahil sa pagkuwestiyon sa hindi pagtawag ng referee ng foul sa huling 43.5 segundo ng laban, parehong na-eject sa laro sina Curry at Durant.

Umiskor naman si Nikola Vucevic ng 23-puntos nang pigilan ng Orlando Magic ang kanilang 17-game losing skid sa pamamagitan ng 114-93 panalo sa  defending Eastern Conference champion na Cavaliers sa Cleveland.

Espesyal ang maagang regular season win ng Orlando sa Cleveland na huli nilang nagawa noong Nov.

“This game had lots of positives, one of the most positives we’ve had in a long time,’’ sabi ni Vucevic. “I’m really happy for this team because we haven’t had success against them for a while.’’

Hindi naghabol sa laro ang Magic na nakapagtala pa ng 21-point lead sa first quarter. Umabante ang Orlando sa 36-18 sa second quarter matapos ang 14-of-24 shooting kung saan walo nito ay 3-poin­ters. Umiskor si LeBron James ng 14 points sa first quarter at tumapos ng 22 sa unang talo ng Cavaliers  sa tatlong games.

Samantala, bagama’t ma­raming nag-akalang napakalakas na team ng Oklahoma City na naka­kuha ng dalawang All-Star players, hindi ito umubra sa defensive team na Utah Jazz na pina­ngunahan ni Rudy Gobert sa pagtatala ng 16 points at 13 rebounds tungo sa kanilang 96-87 panalo.

Matapos kunin ang 13-12 lead sa first quarter, hindi na nakatikim ng kalamangan ang Thunder na hindi pinaporma ng depensa ng Jazz kaya nalimitahan sina Russell Westbrook, Paul George at Carmelo Anthony.

Nang mag-init sina George at Anthony ay malal­im na ang kanilang pag­kakabaon. Nalimita­han si Westbrook sa anim na puntos sa kanyang 2-for-11 shooting dagdag ang 13-rebounds habang sina Anthony at George ay may game-high na 26 at 22.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with