Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Letran wala pang talo sa NCAA badminton

MANILA, Philippines — Matapos ang pitong laban, nananatiling undefeated ang Letran sa men’s at junior division ng ginaganap na NCAA Season 93 badminton tournament sa Jose Rizal University gym sa Mandalu-yong City.

Kapwa ginapi ng Knights ang Arellano University, 2-1  at San Beda College, 2-1 upang manati-ling walang talo habang nablangka ng Squires ang Braves, 3-0 para sa ikapitong panalo.

Pinadapa naman ng defending champion San Beda Red Cubs ang Lyceum Junior Pirates, 2-1 habang pinataob din nito ang Braves, 3-0 para manatiling kasalo ng Squires sa pangkalahatang pamumuno.

Sa women’s division na mayroon lamang kalahok na walong koponan, nangunguna naman ang Lady Pirates na may malinis na barahang, 6-0 panalo-talo.

Huli nilang tinalo ang Arellano Lady Chiefs, 2-1 upang mapanatili ang pamumuno.

Pumapangalawa sa men’s division ang Lyceum at defending champion San Beda na kapwa may barahang, 5-1 habang kasunod naman ng Lyceum ang Arellano at St. Benilde  sa women’s division taglay ang parehas na markang 5-1. (FML)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: