^

PM Sports

Power Smashers nalo uli sa Jet Spikers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinagtibay ng Power Smashers ang kanilang dominasyon sa Philippine Air Force Lady Jet Spikers matapos ang 25-23, 16-25, 25-20, 25-23  panalo kahapon para umangat sa sosyohan sa ikatlong puwesto sa 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Umiskor ang Thai import na si Kannika Tipachot ng 23 puntos upang makamit ng Power Smashers ang ikalimang panalo sa siyam na laban para saluhan  ang Perlas Lady Spikers sa parehong win-loss record.

Ang Lady Jet Spikers ay lalong nabaon sa 1-8 win-loss record.

Bukod kay Tipachot, umani rin si Jovielyn Prado ng 10 puntos kabilang na ang malakas na block sa hataw ni Iari Yongco para tapusin na ang laban at manatiling buhay ang pag-asa na makamit ang isa sa dalawang outright semifinal seats ng torneo na inoorganisa ng Sports Vision at sinusuportahan ng Asics at Mikasa.           

Ngunit sa kabila ng panalo, hindi nasiyahan ang kanilang head coach na si Nes Pamilar dahil sa sobrang kumpiyansa ng kanyang mga players.

“Parang hindi ako satisfied. Ini-easy easy lang sila, parang alam nilang kayang-kaya ang kalaban. Sabi ko sa kanilang hindi puwedeng ganoon na sobrang tiwala,” sabi ni Pamilar.

Tinalo rin ng Power Smashers ang Air Force Lady Jet Spikers, 25-23, 25-20, 25-22 sa first round ng elimination noong Mayo 11.

Samantala, sa men’s division nagwagi ang Instituto Estetico Manila laban sa Cafe Lupe Sunrisers, 25-14, 25-17, 25-21 para manatiling buhay ang pag-asang makapasok sa semifinal round na ginanap sa parehong venue.

Ang dating Far Eastern University player na si Greg Dolor ay umani ng 22 puntos kabilang ang 18 atake, dalawang aces at dalawang kill blocks para sa ikalawang panalo sa limang laro ng Phoenix Volley Masters at ibaon ang Cafe Lupe sa 0-4 card.

Bukod kay Dolor, nag-ambag din si Ferdian Guanzon at Joeward Fresnede ng kabuuang 17 puntos para sa IEM na nanatili sa ikalimang puwesto.

Ngunit sa kabila ng panalo, hangad pa rin ng Volley Masters na makatabla man lang sa fourth hanggang sa fifth spot pagkatapos ng elimination round dahil ang top four teams lamang ang aabanse sa semis.

Samantala, hindi na makakalaro ang Bosnian import na si Edina Selimovic para sa Pocari Sweat dahil sa hamstring injury, ayon sa tweet ni Lady Warriors team manager Eric Ty.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with