^

PM Sports

Bull session o Bull____?

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Maganda kaya ang kahantungan ng piniling pa­raan ni Mark Caguioa upang tawagin ang atensyon ng kanyang mga Ginebra teammates?

Binanatan niya ang mga ito sa kanyang Twitter account, tinawag na tamad at malambot maglaro ma­tapos sapitin ang maagang pamamaalam sa 2014 PBA Commissioner’s Cup playoffs.

Matapos maglabas ng sariling sama ng loob, nag-retweet siya ng mga piling tweets ng kanyang mga fans. Ito ang iba:

@thonz_13 07-08 Fiesta Conf. Finals, Ginebra still manage to win the Game 7 of the Finals despite of INJURIES That’s “NEVER SAY DIE”

@kidkargado aanhin ang galing sa dunks at ma­gagarang sapatos kung ang lalambot naman. ibalik si Wilmer Ong!!!

@LaraAvance been a fan since 96, been thru d team’s worse performance, bt I must admit ds batch s pretty heartbreaking

@mrjohntherenz18 Mas okay pa dati kahet mahina lumalaban, eh ngayon malakas nga wala namang puso.

Nanatiling tulog ang Twitter accounts nina Japeth Aguilar at Greg Slaughter.

Bumato naman ng isa si LA Tenorio: “Less talk, less mistakes.. #positivevibesonly.”

Ayon sa isang katoto, ayaw ni Ginebra official Ro­bert Non magkumento para hindi na lumaki pa ang sunog.

Ngunit saan nga ba hahantong ang gusot na ito?

Maganda ba ang paraan na ginawa ni Mark para kalabitin ang utak ng kanyang mga teammates? O mas magandang inimbita na lang niya ang mga ito sa isang bull-session, at doon sila naglabas ng sama ng loob? O baka naman makailang beses na rin silang nag bull-session, at wala rin lumabas na ma­gan­dang resulta?

“Let me tell u guys kahit si Phil Jackson mag- coach sa ganitong team hindi pa rin papasok sa se­mis. Walang mga puso maglaro WALA WALA WA­LA!” ani Mark sa isa niyang tweet.

Of course, eksaherado si Mark dito.

Sa ganang akin, konting pasensya at konti pang pag­sasama-sa­ma at makukuha rin ang tamang timpla ng team na ito.

Mahirap lang talaga ang patuloy na papalit-palit ang coaching system sa koponang ito.

 

vuukle comment

FIESTA CONF

GINEBRA

GREG SLAUGHTER

JAPETH AGUILAR

MAGANDA

MARK CAGUIOA

PHIL JACKSON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with