^

PM Sports

De Luna kampeon sa 10-ball Challenge

Pang-masa

MANILA, Philippines - Binigo ni Jeff de Luna si Johann Chua sa pamamagitan ng tatlong racks na panalo sa three-day King of Sports Race-to-33 10-ball Challenge na natapos noong Lunes sa King of Sports Resto Bar.

Mula sa 16-22 pagkakahuli matapos ang dalawang araw, kumamada si De Luna sa dulo makaraang kunin ang 17 racks para lumamang ng 33 kay Chua, nanalo lamang ng walong sets sa ikatlo at huling araw.

Inangkin ni De Luna ang premyong $1,000 para sa kanyang paghahari sa one-on-one showdown na inilaro sa loob ng tatlong araw.

Nauna nang pinagharian ni De Luna ang KoS Battle of the Kings 10-ball Challenge noong nakaraang Biyernes.

Kinuha ni Chua ang 11-6 abante sa first match at naipanalo ang hill-to-hill battle sa Round 2, 11-10, patu-ngo sa ikatlo at huling araw bitbit ang six-rack cushion.

Ngunit walang intensyon si De Luna na sumuko.

Ipinanalo ng 30-anyos na beterano ang unang 10 racks para makatabla kay Chua sa 24-24 at pinaikli ang kanilang laban sa race-to-9.

vuukle comment

BATTLE OF THE KINGS

BINIGO

BIYERNES

CHUA

DE LUNA

INANGKIN

IPINANALO

JOHANN CHUA

KING OF SPORTS RACE

KING OF SPORTS RESTO BAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with