^

Para Malibang

Pangalawang Anino (317)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

BUSOG na ang mga pulis.

Hindi nila alam nag-orasyon na si Yawan gamit ang kapangyarihang itim.

Hindi nagtagal, namimilipit na sa sakit ng tiyan ang mga pulis. Lahat na kumain ng meryenda na nila­lako ng suking tindera.

May mga bumubula na ang bibig.

“Nalason ang mga pulis!” Sigaw ng nakakitang preso.

“Siguro doon sa meryendang kinain nila! Bumubula na ang mga bibig nila, delikado na!”

Nangingisay na nga ang iba pa.

May mga pulis na bagong dating, hindi nakakain ng meryenda.

“Ano ang nangyayari sa mga kasamahan namin? Kayo ba ang may kagagawan, ha?” Dinuro ang mga preso.

“Sir, wala kaming kinalaman diyan. Nandidito lang kami sa loob. Nagmeryenda sila ng tinda ni Aling Azon. Pagkatapos nilang kumain nagkaganyan na sila.”

“Putsa, mamamatay yata ang mga kasamahan natin, a!”

Tahimik lang sina Yawan at Yawanaya. Nanonood lang.

“Kayong dalawa, may magagawa ba kayo sa mga kasamahan namin? Iligtas n’yo  sila! Di ba nagmimilag­ro kayo?”

“Ipinagbabawal na, ‘di ba? Kaya nga wala nang tao dito.” Pormal na sagot ni Yawan.

“Baka mapasama pa kami kapag ginamot namin ang mga ‘yan.”

“Gamutin n’yo na! Yawan, baka hindi na sila aabot sa ospital kapag dinala namin doon! Ngayon kailangan ng mga kasamahan namin ang milagro mo!”

“Gagawin ko dahil gusto ko naman talagang makatulong, e.”

“Halika. Lumabas kayo diyan sa selda ninyo para makalapit kayo.”

Pinalabas nga sa selda sina Yawan at Yawanaya.

Nagkunwaring nagdasal si Yawan. Sumunod si Yawanaya.

At sabay-sabay na lumakas ang mga pulis na para bang walang nangyari.

“Iniligtas mo kami, Yawan!”

“Tagapagligtas ka nga! Hindi na kami papayag na ikulong pa kayo. Kahit gawin na nating simbahan ang presintong ito, okay lang!”

Tipong magrerebelde ang mga pulis kapag hindi nila nakuha ang suporta ng mga nakakataas sa kanila.

Sa presinto naman dumagsa ang mga reporters, lahat na taga-media. Ang mga pulis ang nagpatotoo na sina Yawan at Yawanaya ang dapat kilalaning mga santa ng milagro.  -  ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with